Gabriela kinastigo ang extramarital affairs ni Alvarez


Kinastigo ng Gabriela Party-list si House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa hayagang pag-amin sa extramarital affairs nito.

Sa joint statement nina Gabriela Party-list Congresswomen Arlene Brosas at Emmi de Jesus, inilarawan nila ang pag-amin ni Alvarez bilang ‘unbecoming of a public servant.’

Pagpapakita anila ito ng machismo sa panig ni Alvarez.

Binira rin ng dalawang kongresista si Alvarez sa ginagawa nitong generalization na lahat ng mga abugado ay may extramarital affairs.

Ang ganito umanong pag-iisip ay maaaring magdulot ng pagpapa-disbar kay Alvarez.

Nanawagan din ang Gabriela sa publiko na iwasan na ang awayan ng mga mambabatas at isentro ang atensiyon sa mas malalim na motibo.

Kapwa bumoto kontra sa Death Penalty Bill sina Brosas at de Jesus.

Naging dahilan ito para mawalan ng committee chairmanship si de Jesus alinsunod na rin sa patakarang ipinatupad ni Alvarez.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *