Frost, nararanasan ngayon sa Benguet


Nakakaranas na ngayon ng andap o frost ang ilang bahagi ng Benguet na karaniwang nararanasan tuwing buwan ng Disyembre.

Posibleng maranasan ng mga magsasaka ang frost hanggang sa Enero partikular sa Paoay, Atok, Benguet.

Sa panahon ng andap, kailangang maging handa ang lokal na pamahalaan na magbigay ng tulong sa mga magsasakang apektado ng andap.

Samantala, kahapon ay naitala ang 15.8 degrees celsius na pinakamababang temperatura sa lungsod ng Baguio.

Inaasahan naman na mas mababa ng dalawang sintegrado ang temperatura sa matataas na bahagi ng Benguet tulad ng Atok, Mankayan at Kibungan.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *