First concert ni Jake Zyrus, usap-usapan

Pinag-uusapan at inaabangan ang kauna-unahang concert ni Jake Zyrus na mas nakilala sa buong mundo bilang singer na si Charice Pempengco.

Pagkatapos magpalit ng kanyang screen name upang mas maipahayag ang kanyang male gender identity ay muli itong babalik sa concert stage, na gaganapin sa Music Musuem sa October 6, na pinamagatang “I Am Jake Zyrus”.

Puspusan ang gagawin niyang paghahanda para mapaganda ang concert at pag-iisipan niyang mabuti ang kanyang mga aawitin at sisiguraduhin daw ni Jake na hindi masasawi ang kanyang mga fans na manonood ng show.

Makakasama ni Jake bilang musical director niya si Troy Laureta, Isang Filipino-American musical director, at record producer na matagal na niyang nakaka-trabaho sa shows.

Kabilang pa sa ibang nakatrabaho ni Troy ay ang mga international artists na sina David Foster, Ariana Grande, Deborah Cox, at Iggy Azalea.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *