Enrile inabsuwelto ng Sandiganbayan sa kasong ‘behest loans’ na inihain ni Cojuangco


Kinatigan ng Sandiganbayan si dating Senate President Juan Ponce Enrile para iabsuwelto ito sa kasong ‘behest loans.’

Ang kaso ay inihain ni dating Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco mahigit sampung taon na ang nakalilipas.

Base sa resolusyon ng Sandiganbayan Second Division sa pamamagitan ni Associate Justice Michael Musngi, ibinasura ang motion for reconsideration na inihain ng prosekusyon noong 2005 dahil hindi umano nasangkot si Enrile sa mga kaso sa ‘behest loans’ sa mga kumpanya ni Danding.

Ang kaso ay nag-ugat mula sa loans at credit privileges na iginawad ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa Northern Cement Corporation.

Kabilang din sa kaso ang pagkuha sa Alpha Integrated Textile Mills para paboran ang Southern Textile Mills at pautang at advances mula sa Philippine Tourism Authority na paborable sa Holiday Villages at Coral Island Resort.

Taong 2004, nang una nang dinesisyunan ng korte na walang kaugnayan ang dating senador sa kasong ‘behest loans.’

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *