Earthquake drill ngayong araw kasado na


Kasado na ang isasagawang nationwide simultaneous earthquake drill ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ngayong araw.

Sa abiso ng NDRRMC, magsisimula ang nasabing drill mamayang alas-dos ng hapon, kung saan ay napili ang Cebu City bilang ceremonial venue.

Nais ng NDRRMC na malaman ang kahandaan ng mga mamamayan sakaling dumating ang malakas na lindol.

Nanawagan din ang NDRRMC sa publiko na makibahagi sa gagawing aktibidad.

Tiniyak naman ng ilang ahensiya na makikibahagi sa earthquake drill para maipakita nila ang kahandaan at ang dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

Samantala, maagang nagsagawa ng earthquake drill ang mga pulis at kawani sa iba’t ibang tanggapan sa Camp Crame at ang Cebu Provincial Capitol.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *