Saturday, April 29, 2017
Home > National News > Duterte nasa Thailand na para sa 3-day official visit

Duterte nasa Thailand na para sa 3-day official visit


Dumating na sa Bangkok, Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang tatlong araw na official visit.

Pasado alas-onse kagabi nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ng pangulo sa Royal Thai Airforce Military Air Terminal 2 sa Bangkok.

Kabilang sa inaasahang aktibidad ng pangulo ay ang pakikipagpulong kay Thai Prime Minister Prayuth Chan-Ocha at sa Filipino community sa nasabing bansa.

Inaasahan namang tatlong mahahalagang kasunduan ang lalagdaan ng Pilipinas at Thailand na may kaugnayan sa science and technology, agrikultura at turismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *