Duterte, nakiisa sa pag-alala kay Andres Bonifacio


Nagpaabot ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng ika-153 kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

Inalala at kinilala ni Pang. Duterte ang nagawa ni Bonifacio bilang ama ng katipunan.

Ayon sa pangulo, makabayan, walang kinatatakutan, at independiyente si Bonifacio.

Ito aniya ang nagsisilbing inspirasyon niya para paangatin ang buhay ng mga kababayan at ibalik sa mga ito ang dangal.

Nanawagan din si Pang. Duterte sa publiko na makilahok sa mga isyung nakakaapekto sa buhay.

Nawa aniya ay magkaisa ang lahat para sa mapayapa at malayang bansa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *