Duterte naglabas ng sama ng loob sa EU sa pakikialam sa human rights situation sa Pilipinas – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Duterte naglabas ng sama ng loob sa EU sa pakikialam sa human rights situation sa Pilipinas


Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union (EU) dahil sa pakikialam nito sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa.

Ayon kay Duterte, paboritong puntiryahin ng EU ang mga bansa sa ASEAN dahil may death penalty ang mga ito gaya ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas na binubuhay pa lamang ang parusang kamatayan.

Sinabi rin ng pangulo na bakit hindi na lamang pakialaman ng EU ang sarili nitong usapin.

Sa isang statement sa UN Human Rights Council, sinabi ng EU na kinikilala nila ang kahalagahang labanan ang problema sa droga subalit naaalarma umano sila sa napakataas na bilang ng namamatay dahil sa labang ito.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *