Duterte, nag-alok ng Php2-M pabuya para sa mga pulis na sangkot sa Ozamiz killings‘dead or alive’

“Gawin ninyo ang inyong trabaho at ako ang poprotekta sa inyo.’

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa 116th Anniversary ng Philippine National Police sa kampo Crame.

Muling iniutos ni Duterte sa mga pulis na gawin ang kanilang tungkulin at huwag mang-aabuso.

Kasabay nito, inihayag din ng Pangulo na handa siyang magbigay ng pabuyang dalawang milyong piso sa bawat pulis na sangkot sa mga pagpatay sa Ozamiz City.

Gusto niya “dead or alive” ang mga nasabing pulis na ginamit umano ng mga Parojinog pero mas nanaisin pa umano niyang sila’y patay.

Kasabay nito, muling tiniyak ni Pangulong Duterte ang kanyang proteksyon kina P/Supt. Marvin Marcos at Chief Insp. Jovie Espenido na sumusunod umano sa kanyang utos laban sa iligal na droga.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *