Duterte biyaheng Russia sa susunod na linggo


Sa kauna-unahang pagkakataon ay bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa susunod na linggo.

 Mula Mayo 22 hanggang Mayo 26 ay tutulak pa-Russia ang pangulo kasama ang mga negosyante.

Bibisitahin ni Duterte ang prestihiyosong Moscow Diplomatic Institute, Military Shipyard at Russian Palace sa St. Petersburg.

Bibisitahin din ng pangulo ang Filipino community roon.

Magkakaroon din ng bilateral meetings si Duterte kay Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev sa Mayo 24 at Mayo 25.

Pipirmahan din ang ilang kasunduan gaya ng defense cooperation, memorandum of understanding sa security cooperation, mutual legal assistance treaty at extradition.

Si dating Pangulong Fidel Ramos ang pinakahuling pangulo ng Pilipinas na nagtungo sa Russia matapos maimbitahan.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *