Duterte, binuwag ang Executive Order na lumilikha sa Negros Island Region

Binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na inilabas ni Dating Pangulong Noynoy Aquino na lumilikha sa Negros Island Region noong 2015.

Sa bisa ng Executive Order Number 38, madi-dissolve na ang nasabing rehiyon at ibabalik ang Negros Occidental sa ilalim ng region six habang sa region seven naman ang Negros Oriental.

Inatasan ang Department of Interior and Local Government (DILG) para gawin ito.

Ani Duterte, kulang din sa pondo para sa hiwalay na rehiyon ng Negros.

Lahat ng mga empleyadong apektado ng pagbuwag ay ipinababalik sa mga dati nilang units of deployment o ‘di kaya ay ire-reassign sa ibang tanggapan.

Iniutos din ni Duterte ang pagsasaayos ng mga usapin sa regional office ng Negros Island nang hindi lalagpas sa animnapung araw mula sa effectivity date.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *