Drilon, bagong Senate Minority leader


Inihalal bilang bagong Senate Minority leader si Senador Franklin Drilon.

Ito ay matapos ang nangyaring malawakang rigodon sa Senado kahapon.

Si Senador Bam Aquino naman ang inihalal na assistant Minority floor leader.

Sumama na rin ang nakadetineng si Senadora Leila De Lima sa Minorya.

Kahapon ay inalis sa pagiging Senate president pro tempore si Drilon matapos magmosyon si Senador Manny Pacquiao na kaalyado ng administrasyon.

Bukod kay Drilon, inalisan din ng kanilang committee chairmanships ang mga senador na miyembro ng Liberal Party (LP) na sina Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *