Draft BBL, isusumite ngayong araw kay Duterte

Isusumite ngayong hapon ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang BTC sa pamumuno ng chairman nitong si Ghazali Jaafar ang magsusumite kay Duterte ng final draft ng BBL sa isang simpleng seremonya ngayong hapon sa Malacañang.

Sasaksihan din ni MILF Chairman Ebrahim Murad ang makasaysayang turnover ng panukalang BBL kay Duterte.

Inaasahan naman ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na matapos tanggapin ang BBL mula sa BTC ay isusumite na rin nito ang panukala sa kongreso upang maging ganap na batas.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *