DOLE, muling nagpaalala sa mga pribadong kompanya sa pagbabayad ng 13th month pay ng mga empleyado


Muling pinaalalahanan ng Department of Labor ang mga pribadong kompanya na ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga manggagawa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello d’third, mahalagang maibigay sa mga kawani ang kanilang 13th month pay sa lalong madaling panahon.

Ang pagbabayad ng 13th month pay sa mga manggagawa ay itinuturing na General Labor Standard na dapat sundin ng mga employer sa pribadong sektor.

Nakasaad sa batas na dapat ay maibigay ang 13th month pay sa mga kawani bago sumapit ang December 24 na nakapagtrabaho sa kompanya ng kahit na isang buwan pa lamang.

Share it for others to know as well:

One comment

  1. Sir, ano po ba ibig sabihin ng 13th month pay? Kasi ang iba kasi nka base sa performance or iba nmn may deduction pag may leave?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *