DND at AFP, itinanggi ang planong air at drone strike ng Amerika vs Maute  

Itinanggi ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang planong air at drone strike ng Amerika kontra Maute group.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, walang ginawang pakikipag-usap si Defense secretary Delfin Lorenzana sa Amerika para hilingin ang kanilang tulong sa pagsasagawa ng airstrike laban sa Maute.

Malinaw aniya sa nakasaad na mutual defense treaty na maari lamang magbigay ng tulong ang Amerika sa aspetong teknikal at training pero hindi sa aktuwal na operasyon.

Maari lamang aniyang magkaroon ng direct military actions ang Amerika kung mayroong ‘actual foreign invasion’ mula sa ibang bansa.

Gayunman, pinapasalamatan pa rin ng DND ang pagnanais ng Amerika na tumulong sa paglaban kontra Maute.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *