Thursday, April 27, 2017
Home > Showbiz > Dingdong Dantes, payag sumailalim sa drug test

Dingdong Dantes, payag sumailalim sa drug test


Willing daw si Dingdong Dantes na magpa-drug test kaugnay sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Ayon kay Dingdong, dati na siyang sumailalim sa mandatory drug test noong 2014 at wala namang problema kung uulitin niya ito ngayong taon.

Naniniwala naman ang aktor na hindi dapat maging iba ang pagtrato sa mga arista sa mga ordinaryong mamamayan basta may sapat na ebidensiya laban sa mga ito.

Kung papangalanan naman ang mga artista na sangkot umano sa droga, umaasa si Dingdong na tama at may sapat na ebidensiya bago ito gawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *