Dexter Carlos, hindi pa suspek sa pag-masaker sa kaniyang pamilya ayon sa PNP

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Director, Chief Supt. Aaron Aquino na hindi pa nila ikinukonsiderang suspek ang padre de pamilya ng limang miyembro ng pamilya na minasaker sa Bulacan.

Ayon kay Aquino, hindi pa naman nila iniimbestigahan si Dexter Carlos dahil nirerespeto nila na nagdadalamhati pa ito sa ngayon.

Umapela rin si Aquino kay Carlos na huwag magalit sa pulisya at ang tanging hiling nila ay makipagtulungan ito sa mga otoridad sa nagpatuloy na imbestigasyon kaugnay sa kaso.

Samantala, ibinunyag ni Aquino na nadagdagan pa ang mga suspek ngayon kung saan may tatlo pa silang pinaghahanap.

Inaasahan na sa darating na July 15 ay ilalabas na ang resulta ng DNA test at dito mababatid kung sino ang mga nasa likod ng pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya sa Bulacan.

Nanindigan naman si Aquino na ang naarestong suspek na si Carmelino Ibañez at ang tatlo pang iba ay nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *