Saturday, April 29, 2017
Home > National News > Delivery truck inararo ang concrete barriers sa Maynila

Delivery truck inararo ang concrete barriers sa Maynila


Inararo ng isang delivery truck ang hilera ng concrete barriers sa tapat ng Plaza Lawton sa Maynila.

Kuwento ng driver ng truck na si Romnick Rueta, nag-lock ang manibela samantalang pababa siya ng Quezon Bridge dahilan para mabangga niya ang aabot sa labing-anim na concrete barriers.

Nagdulot naman ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang insidente.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property ang driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *