Wednesday, April 26, 2017
Home > National News > De Lima umaasang makalalaya agad para makaboto kontra-death penalty

De Lima umaasang makalalaya agad para makaboto kontra-death penalty


Umaasa si Senadora Leila De Lima na maaga siyang makalalaya sa kulungan para makalahok sa botohan ng Senado sa Death Penalty Bill.

Gustung-gusto raw ng senadora na makadalo ng Senate deliberations kapag nag-resume na ang sesyon ng Senado para makaboto sa nasabing panukala.

Isa aniyang absolute at unqualified ‘no’ ang kanyang boto sa death penalty na aniya ay mali at hindi katanggap-tanggap saanmang anggulo tingnan.

Kasalukuyang nakadetine si De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *