Saturday, April 29, 2017
Home > National News > De Lima binanatan si Alvarez dahil sa balak na paghahain ng impeachment laban kay Robredo

De Lima binanatan si Alvarez dahil sa balak na paghahain ng impeachment laban kay Robredo


Tinawag ni Senadora Leila De Lima na ‘kabaliwan’ ang banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipa-impeach si Vice President Leni Robredo.

Sinabi ng senadora na ang nasabing banta ay kahambugan lamang sa kapangyarihan ni Alvarez.

Betrayal of public trust ang naiisip ni Alvarez na basehan para ma-impeach si Robredo dahil sa pagbatikos nito sa war on drugs sa isang video message para sa United Nations Commission on Narcotics Drugs.

Pero ayon kay De Lima, mas maituturing na totoong traydor sa tiwala ng publiko ang mga taong pumipigil sa kalayaang magpahayag at ng mga kumukunsinti sa walang humpay na extrajudicial killings (EJKs).

Traydor din aniya ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan at pekeng balita at ang mga gumagawa ng mga pekeng ebidensiya at testimonya.

Minaliit naman ng kampo ni Robredo ang impeachment threat ni Alvarez na anila’y walang basehan at iresponsable.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *