Dating PNP Chief Alan Purisima, nagpyansa sa Sandiganbayan


Nagpyansa si dating Philippine National Police Chief Alan Purisima sa Sandiganbayan kaugnay sa nangyaring insidente sa Mamasapano noong Enero 2015, kung saan 44 na Pnp-Special Action Force ang nasawi.

Naglagak ng P20,000 si Purisima sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Usurpation of Authority.

Nahaharap din sa parehas na mga kaso si dating PNP SAF Director Getulio Napeñas.

Nitong enero 24, isang araw bago ang ikalawang anibersaryo ng Mamasapano Encounter inihain ng Office of the Ombudsman ang nasabing mga kaso.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *