Daryl Ong masaya sa muling pagkikita nila ng anak


Lubos ang kasiyahan ng singer na si Daryl Ong sa muling pagkikita nila ng anak na si Dwayne makaraan ang mahigit tatlong taon.

Nangyari ang pagkikita ng mag-ama matapos ang show ni Daryl sa Amerika, kung saan ay nakatira ang kanyang anak.

Kuwento ni Daryl, hiningi niya ang permiso ng dating asawa na sana ay bigyan siya ng chance na makasama ang anak na pinagbigyan naman nito.

Say ni Daryl, nais niyang maramdaman ni Dwayne na may ama ito na naroroon lang para rito.

Hindi alam ng karamihan ang naging buhay ni Daryl bago ito sumali sa isang singing contest sa TV at pagkakaroon nito ng anak sa kanyang estranged wife.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *