Thursday, April 27, 2017
Home > Showbiz > Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, spotted na magkasama matapos ang hiwalayan

Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, spotted na magkasama matapos ang hiwalayan


Spotted na magkasamang lumipad patungong US ang dating magkasintahang sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales matapos ang kanilang hiwalayan.

Nakita rin ang mga ito na magkasamang kumakain sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) samantalang hinihintay ang kanilang flights pa-US, kung saan ay mayroon silang show na gagawin.

Sa Instagram post naman ni Love Capulong, handler ng dalawa, isang larawan ang ibinahagi nito kung saan ay makikita ang nakangiting si Erich samantalang nagse-selfie sila ni Daniel.

Nasa caption ni Capulong, sinusubukan ng dalawa na ayusin ang lahat sa pagitan nila.

Matatandaang sinabi ni Erich na hindi sila nag-uusap o magkaibigan man lang ni Daniel matapos ang kanilang break-up.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *