Dalawang “person of interest” sa natagpuang IED malapit sa U.S Embassy, hawak na ng MPD


Hawak na ng Manila Police District ang dalawang “persons of interest” sa umano’y tangkang pagpapasabog malapit sa U.S Embassy sa Maynila.

Ayon kay National Capital Region Police Office Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, nahuli ang dalawa base sa impormante at intelligence gathering.

Humahawig aniya sa inilabas na artist sketch ang nasabing ‘person of interest’.

Galing pa umano sa Marawi City ang isang “person of interest” na nasa kustodiya ng MPD habang ang isa ay taga-Caloocan.

Nilinaw rin ni Albayalde na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaya’t hindi pa maituturing ang mga ito na suspek.

Iniimbestigahan na kung miyembro ang mga ito ng Maute Group.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *