Tuesday, April 25, 2017
Home > Provincial > Dalawa patay at 24 ang sugatan sa pagsabog sa tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan

Dalawa patay at 24 ang sugatan sa pagsabog sa tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan


Dalawa ang patay habang dalawampu’t apat ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa mga tindahan ng paputok sa Binang 1st Village sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Bocaue, Bulacan Bureau of Fire Protection Senior Inspector Renante Batchine, dahil sa lakas ng pagsabog anim na sasakyan ang nasunog.

Inaalam pa naman ang pagkakakilanlan ng nasawi at ng mga sugatan sa nangyari.

Sampung establisimiyento din ang nadamay sa naturang pagsabog.

Samantala, tiniyak naman ni Bocaue Mayor Jonie Villanueva na may matatanggap na tulong ang mga biktima.

Tumagal ng lagpas dalawang oras ang nangyaring pagsabog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *