Tuesday, April 25, 2017
Home > Sports > Stephen Curry, may bagong NBA record

Stephen Curry, may bagong NBA record


Nakapagtala ng panibagong Nba record si Stephen Curry para sa pinakamaraming three-points na nagawa sa regular season game.

Sa panalo ng Golden State Warriors kontra New Orleans Pelicans na may iskor na 116-106, nakagawa si Curry ng 13 three-points shot.

Kahati noon ni Curry sa rekord na 12 made triples sina Kobe Bryant at Donyell Marshall.

Nag-ambag naman sa panalo ng Warriors kontra Pelicans sina Klay Thompson na may 24 puntos at Kevin Durant na nakagawa ng 22 puntos.

46 puntos naman ang nagawa ni Curry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *