Thursday, April 27, 2017
Home > National News > COMELEC, umaasahang babawiin ng Korte Suprema ang naunang ruling sa pag-iisyu ng resibo pagkatapos ng oral argument

COMELEC, umaasahang babawiin ng Korte Suprema ang naunang ruling sa pag-iisyu ng resibo pagkatapos ng oral argument

Tumanggi muna si COMELEC Chairman Andres Bautista na talakayin ang merito sa paglalabas ng resibo sa darating na halalan.

Ito, ayon kay Bautista, sa ginawang pulong ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), ay dahil sa nakatakda nitong oral argument ngayong araw sa Supreme Court.

Umaasa si Bautista na makumbinsi ang mga mahistrado sa hiling nilang mabawi ang unanimous vote na nakuha ng mga petitioner sa pag-isyu ng resibo.

Gayunman, sakaling hindi aniya papanigan ng korte ang hiling ng COMELEC, anya kailangan aniya nila ang puspusang pagsasanay sa mga gurong magsisilbing board of election inspectors dahil bago, mabusisi at maselan ang proseso sa pag-imprenta ng resibo.

Samantala, dalawang kinatawan ng COMELEC ang dadalo sa oral argument ngayon araw sa Korte Suprema.

Tatayong abogado ng COMELEC ang Office of the Solicitor General (OSG) na dati na nilang nakalaban noon sa kaso ng citizenship ni Senador Grace Poe.

Ayon kay Bautista, wala siyang nakikitang problema dito dahil kakampi umano nila ang OSG sa isyu ng paglalabas ng resibo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *