Circuit breaker sa Makati, sumabog; 3 sugatan – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Circuit breaker sa Makati, sumabog; 3 sugatan


Sumabog ang circuit breaker ng isang telecom company sa Barangay Bel-Air sa Makati City.

Sugatan sa insidente sina Richmond Mesa, Eladio Mesa at Rudyard Galinzuga na nagtamo ng sunog sa mukha at braso.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglilipat ng electrical supply ang mga biktima sa ikalabing-apat na palapag ng gusali nang mangyari ang insidente.

Bigo naman ang Makati Police na makapag-imbestiga matapos silang pigilan ng kumpanya.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *