Chinese businessman na may-ari ng warehouse na pinagdalhan ng P6.4B halaga ng shabu galing China, humarap sa senado

Sa unang pagkakataon ay humarap sa senado si Richard Chen ang may-ari ng warehouse na ni-raid ng mga otoridad sa Valenzuela City na may-ari ng warehouse na nakunan ng P6.4B shabu  na inangkat naman mula sa China.

Pinangunahan ni Sen. Richard Gordon ang pagdinig sa ilalim ng Senate Blue Ribbon Committee kabilang ang mga senador na miyembro ng komite na sina Sen. Panfilo Lacson, Sonny Angara, Franklin Drilon, Tito Sotto, Bam Aquino at Manny Pacquiao.

Nagisa si Chen sa isinagawang pagdinig bagkus hindi ito nakakapagsalita ng tagalago at english kung kayat kinailangan itranslate ng translator ang mga tanong ni Sen. Gordon tungkol sa insidente.

Base sa salaysay ni Chen may tumawag sa kanya mula sa customs ng China noong may 25 bandang alas-singko at alas sais ng gabi upang ipaaalam na ang shipment nito ay naglalaman ng shabu.

At sinabi ng taga-China customs na nagngangalang Wang na tawagan ang Philippine Customs na si Rainier na may kaugnayan sa Philippine Customs at konektado sa interpool.

Sinabi rin nito sa kanyang affidavit, na May 25 ng alas-onse ng gabi nang makatanggap siya ng tawag mula kay Col. Neil Anthony Estrella ng Customs Intelligence and Investigation Service ng BOC sa pamamagitan ng interpreter na si Mr. Co.

Kaya naman umaga May 26 nang i-raid ang shabu sa kanyang warehouse sa Valenzuela.

Bukod rito, muling binanggit ni Taguba ang mga pangalan ng mga Custom officials na binanggit niya rin sa isinagawang pagdinig ng kamara na mga tumatanggap ng tara o payola.

Sa pagdinig din nagisang muli ang mga opisyal ng BOC, NBI at PDEA dahil mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas ngunit wala pa ring nakakasuhan mula sa mga resource person na dumalo sa pagdinig dahil tila nagtuturuan kung sino ang may sala.

Sa bahagi ng PDEA sinabi ni Director Wilkins Villanueva na kinasuhan na nila si Fidel Anoche Dee na sinasabing caretaker ng shipment mula sa China.

Samantala, maging ang NBI ay nangakong magsasampa na sila ng kaso sa ilang mga resource person na dumalo sa pagdinig na ilalabas posible sa Biyernes o sa susunod na linggo matapos ang dalawang buwan na imbestigasyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *