China, nanindigan sa posisyon sa arbitration ruling sa WPS

Naglabas ng pahayag ang Chinese Foreign Ministry sa unang taong anibersaryo ng West Philippine Sea Arbitration.

Ayon kay Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang, naninindigan ang China sa posisyon nito sa arbitration case na isinampa noon ng Pilipinas kaugnay ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Patuloy din aniya ang mapayapang resolusyon ng China sa nasabing sigalot.

Simula aniya noong nakaraang taon, ay bumalik sa ‘right track’ ang Pilipinas at China para sa mapayapang resolusyon sa isyu.

Ani Shuang, sang-ayon sa common interest ng dalawang bansa ang bilateral negotiations at dayalogo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *