China, binatikos dahil sa pagpanaw ng aktibistang si Liu Xiaobo

Nahaharap sa kritisismo ang China matapos ang pagpanaw ng kilalang kritiko roon at Nobel Peace Prize winner na si Liu Xiaobo.

Hindi pinayagan si Liu na magbiyahe abroad para magpagamot sa kanyang terminal liver cancer.

Labing-isang taong pagkakakulong ang ipinataw kay Liu dahil sa kasong subversion.

Nasawi ito dahil sa isang ospital sa China sa edad na animnapu’t isa.

Ayon sa Nobel committee, mabigat ang responsibilidad ng China sa pagkamatay ni Liu.

Hinimok na rin ang China na palayain na ang asawa ni Liu na si Liu Xia na naka-house arrest.

Sa ngayon ay naka-media blackout ang China sa pagkamatay ni Liu.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *