CGMA di-interesado sa pagiging House speaker


Tinuldukan na ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Arroyo ang usap-usapang gusto niyang maging House speaker.

Pahayag ni Arroyo, hindi siya interesado sa posisyon.

Nag-ugat ang usap-usapang si Arroyo ang papalit kay House Speaker Pantaleon Alvarez matapos masibak ang dating pangulo sa pagiging deputy speaker dahil sa pagboto kontra sa Death Penalty Bill.

Pero itinanggi na ito ni Alvarez.

Matatandaang sinibak sa puwesto ang lahat ng kongresistang bumoto kontra sa panukalang ibalik ang parusang bitay.

Ang panukala ay lusot na sa plenaryo sa botong 214-54-1.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *