Saturday, April 29, 2017
Home > Provincial > Cebu nilindol kaninang madaling-araw

Cebu nilindol kaninang madaling-araw


Niyanig ng magkasunod na lindol ang Cebu kaninang madaling-araw.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Asturias, Cebu na may lalim na limang kilometro bandang alas-3:41.

Makalipas ang ilang minuto, sunod namang naramdaman ang magnitude 4.8 na lindol sa Balamban, Cebu na may lalim na dalawampu’t limang kilometro.

Naramdaman ang intensity 3 sa Cebu City samantalang intensity 2 naman sa Lapu-Lapu City at Mandaue City.

Pawang tectonic ang origin ng magkasunod na lindol.

Wala namang naiulat na napinsala o nasaktan dahil sa magkasunod na pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *