Cavs nasungkit ang 3-0 lead vs Pacers


Pinaasa ng Cleveland Cavaliers ang Indiana Pacers sa paghaharap ng mga ito sa Game 3 ng National Basketball Association (NBA) playoffs.

Tinambakan ng Pacers ang Cavs sa first half na umabot ng dalawampu’t limang puntos sa pagtutulungan nina Paul George at Lance Stephenson.

Nang magsimula ang second half, umarangkada na ang opensa ng Cavs sa pangunguna ni Lebron James na nagtala ng triple-double 41 points, 13 rebounds at 12 assists.

Nagtapos ang laro sa iskor na 119-114.

Ito na ang ikatlong panalo ng Cavs sa best-of-seven series kontra-Pacers at isang panalo na lang ay aabante na sila sa Eastern Conference semi-finals.

Magaganap ang Game 4 sa Lunes, kung saan ay tatangkain ng Pacers na makuha ang unang panalo para hindi malaglag sa first round ng NBA playoffs.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *