Sports – Page 30 – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Sports

Globalport, kumpyansang makakabawi pa rin sa laban kontra Alaska

News Center, Sports
Kumpyansa pa rin ang Globalport Batang Pier na makakasungkit sila ng panalo sa kabila ng 3 sunod-sunod na pagkatalo sa Alaska Aces sa kanilang best-of-7 Semifinals Series. Ayon sa Batang Pier Shooting Guard na si Terrence Romeo, positibo pa rin ang kanilang koponan na makakabawi sa 3 pang laban nila kontra Alaska. Pero aminado si Romeo na nahihirapan sila dahil sa maganda ang depensa ng Alaska. Sa ngayon ay nakuha na ng Alaska ang 3-1 lead sa semis. Bukas naman nakatakdang magharap sa kanilang Game 5 ang 2 koponan.

Washington Wizards, nilampaso ang Orlando Magic sa pagpapatuloy ng NBA Games

News Center, Sports
Nilampaso ng Washington Wizards ang Orlando Magic sa ika-16 na panalo nito sa iskor na 105-99. Sa kabuuan, ang Wizards ay may 19 ng talo. Si John Wall ang nagdala ng 24 na puntos para maging matagumpay ang Wizards. Samantala, nakuha naman ng Utah Jazz ang panalo laban sa Miami Heat sa iskor na 98-83. Si Gordon Hayward na nagtala ng 34 points ang nagdala sa koponan para magwagi ang Utah Jazz.

Rain Or Shine Coach Yeng Guiao at mga nakaaway nitong basketball players, pinagmulta ng PBA Commissioners Office

News Center, Sports
Pinagmumulta ng PBA Commissioners Office si Rain or Shine Coach Yeng Guiao matapos ang insidente ng iringan kay Beermen Guard Chris Ross. Pinatawan si Guiao na magmulta ng P20,000 matapos ang gulo na naganap sa Game 1 ng PBA Philippine Cup Semi Final Series. Nag-ugat ang komusyon matapos banggain ni guiao si ross habang naghahanda ito na ma-inbound ang bola sa 3rd quarter ng laro sa harap mismo ng bench ng Rain or Shine. Dahil dito, pinatawan ng technical foul si Guiao. Samantala, kasama ring pinatawan ng parehas na violation sina Ross at Rain or Shine Player Beau Belga dahil sa naturang gulo.

LA Clippers Star Deandre Jordan, malapit nang mahigitan si dating Lakers Star Wilt Chamberlain

News Center, Sports
Malapit nang mahigitan ni LA Clippers Star Deandre Jordan ang rekord sa pinaka-malaking shooting percentage si dating Lakers Star Wilt Chamberlain. Ilang punto na lang at malalagpasan na ni Jordan ang rekord ni Charmberlain. Nasa 72.683 shooting percentage na si Jordan habang si Chamberlain ay nakapagtala ng 72.696%. Kabilang na si Jordan sa 70%-for-a-season club ng liga noong nakaraang taon.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao nais isama sa kanilang fight card si Undefeated Heavyweight Boxer Ike “The President” Ibeabuchi

News Center, Sports
Hiniling ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa kaniyang adviser na si Michael Koncz na isama sa kanilang fight card ang undefeated heavyweight boxer na si Ike “The President” Ibeabuchi. Ayon kay Koncz, ito ang unang pagkakataong sasabak sa tune-up fights ang 43 gulang na heavyweight boxer bago ang trilogy bout nina Pacquiao at Timothy Bradley sa Abril 9. Sakaling palarin na manalo si Ibeabuchi sa laban na ito ay muling mabubuksan ang pinto niya patungo sa tagumpay. Si Koncz ang bagong personal adviser ngayon ni Ibeabuchi na punong abala sa nalalapit na laban ni Pacman. Ang huling laban ni Ibeabuchi ay noong Marso 20 taong 1999 kung saan natalo niya si 2-time world champion Chris Byrd. Nakulong si Ibeabuchi dahil sa kasong sexual assault at nakalaya lamang siya noong naka...