Sports – Page 2 – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Sports

Thompson, Curry nagpakawala ng 57 puntos vs OKC

Thompson, Curry nagpakawala ng 57 puntos vs OKC

Sports
Ipinahiya ng Golden State Warriors ang Oklahoma City Thunder nang tapusin nito ang laro sa iskor na 111-95. Nagpakawala ng 34 na puntos si Klay Thompson samantalang 23 puntos naman ang iniambag ni Stephen Curry para daigin ang Thunder. Nakapagposte naman si OKC star Russell Westbrook ng 15 puntos, 8 rebounds at 8 assists. Tinulungan naman si Westbrook ni Victor Oladipo na may 17 puntos. Hawak na ng Warriors ang 56-14 win-loss record samantalang 40-30 naman ang OKC.
Celtics guard Isaiah Thomas balik- hardcourt na

Celtics guard Isaiah Thomas balik- hardcourt na

Sports
Balik-basketball court si Boston Celtics guard Isaiah Thomas sa Lunes. Ito ay matapos siyang hindi makalaro nang dalawang beses dahil sa problema sa kanang tuhod. Naglaro si Thomas sa laban ng Celtics kontra Washington Wizards. Wagi naman ang Celtics sa nasabing laro sa iskor na 110-102. Hawak na ng Celtics ang 45-26 win-loss record.
Harden nagpakawala ng 39 na puntos sa panalo ng Rockets

Harden nagpakawala ng 39 na puntos sa panalo ng Rockets

Sports
Naging dikit man ang laban pero sa huli ay nanaig pa rin ang Houston Rockets kontra-Denver Nuggets. Tinapos ng Rockets ang Nuggets sa iskor na 125-124. Naitala naman ni James Harden ang 39 na puntos, 7 rebounds at 11 assists. Lead scorer naman para sa Nuggets si Garry Harris na nagtala ng 28 puntos. Hawak ngayon ng Rockets ang 48-22 win-loss record samantalang 33-36 naman ang Nuggets.
Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

Sports
Itinanghal na Philippine Basketball Association (PBA) “Player of the Week” si James Yap matapos na dalhin sa back-to-back victories ang defending champion na Rain or Shine Elasto Painters sa kabubukas pa lamang na 2017 Commissioner’s Cup. Bumida ang two-time “PBA Most Valuable Player” sa dalawang laro ng Elasto Painters kontra-NLEX at Mahindra. Sa pagsisimula ng midseason conference, nakapagtala si Yap ng average na 19.0 points at 3.0 rebounds at dinaig ang young backcourt ng MERALCO Bolts na si Base Amer at Chris Newsome. Susunod namang makasasagupa ng Elasto ang Blackwater Elite sa Linggo.
Damian Lillard kumarta ng 49 na puntos sa panalo ng Blazers

Damian Lillard kumarta ng 49 na puntos sa panalo ng Blazers

Sports
Apatnapu’t siyam na puntos ang pinakawalan ni Portland Trail Blazers star Damian Lillard para pasiklaban ang Miami Heat sa iskor na 115-104. Ito na ang season-high score ni Lillard. Tumulong naman kay Lillard si Jusuf Nurkic na nagtala ng 21 puntos at 12 rebounds. Umaasa naman si Blazers Coach Terry Stotts na mananatiling nakapokus ang koponan sa kanilang huling labintatlong laro.
Jeremy Lin nagtamo ng ankle injury

Jeremy Lin nagtamo ng ankle injury

Sports
Nagtamo ng ankle injury si Brooklyn Nets guard Jeremy Lin sa pagkatalo ng koponan kontra-Dallas Mavericks. Pitong minuto lang nakapaglaro si Lin at nakapagposte ng apat na puntos bago tuluyang hindi makapaglaro dahil sa sprain. Nagtapos ang laro ng Nets kontra- Mavs sa iskor na 111-104. Pinangunahan ni Dirk Nowitzki ang Mavs sa kanyang 23 puntos samantalang si Brook Lopez naman na nagtala ng kanyang game-high na 27 puntos ang lead scorer para sa Nets.
Rain or Shine panalo kontra Mahindra Floodbuster

Rain or Shine panalo kontra Mahindra Floodbuster

Sports
Panalo ang Rain or Shine Elasto Painters kontra sa Mahindra Floodbuster sa nagpapatuloy na 2017 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup. Hawak pa ng Painters ang kalamangan sa huling walong minuto hanggang makahabol ang Mahindra at madala sa overtime ang laro. Nagwakas sa iskor na 99-95 pabor sa Painters ang laban. Bumida sa laro si Shawn Taggart na kumamada ng 29 na puntos, sampung rebounds at apat na assists. Nagbigay rin ng tig-12 puntos sina James Yap at Beau Belga samantalang sampung puntos naman ang iniambag ni Jeff Chan.
Westbrook naitala ang ika-34 na triple double sa NBA

Westbrook naitala ang ika-34 na triple double sa NBA

Sports
Muling nagpakitang-gilas si Oklahoma City Thunder star Russell Westbrook sa laban nila kontra Toronto Raptors. Nasungkit ni Westbrook ang kanyang ikatatlumpu’t apat na triple-double season performance sa kanyang 24 na puntos, 16 assists at 10 rebounds. Tinapos ng OKC ang laro sa iskor na 123-102. Nag-ambag naman ng 23 puntos si Victor Oladipo para sa Thunder samantalang 22 puntos naman ang ipinoste ni Demar Derozan para sa Raptors. Sunod na makahaharap ng OKC ang Sacramento Kings samantalang Detroit Pistons naman ang makalalaban ng Raptors.
Lamarcus Aldridge balik na sa NBA matapos ang heart problem

Lamarcus Aldridge balik na sa NBA matapos ang heart problem

Sports
Balik na sa basketball court si San Antonio Spurs forward Lamarcus Aldridge matapos ang minor heart issue. Sumailalim si Aldridge sa mga test at eksaminasyon at konsultasyon dahil sa kanyang minor heart arrhythmia. Noong wala si Aldridge ay tinalo ng Spurs ang Golden State Warriors, Atlanta Hawks at Portland Trail Blazers. Hawak ng Spurs ang 52-14 win-loss record na second-best record sa National Basketball Association (NBA).
Heat, sinilaban ang Pelicans sa NBA

Heat, sinilaban ang Pelicans sa NBA

Sports
Wagi ang Miami Heat kontra-New Orleans Pelicans sa Filipino Heritage Week sa National Basketball Association (NBA). Tinapos ng Heat ang Pelicans sa iskor na 120-112. Tatlumpu’t tatlo naman ang ikinartang puntos ni Goran Dragic para sa Miami. Tuwang tuwa naman ang Fil-Am coach ng Miami na si Erik Spoelstra sa panalo ng koponan.