Sports – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Sports

40 puntos pinakawalan ni Demar Derozan vs Heat

40 puntos pinakawalan ni Demar Derozan vs Heat

Sports
Apatnapung puntos ang pinakawalan ni Toronto Raptors star Demar Derozan para palamigin ang Miami Heat. Tinapos ng Raptors ang Heat sa iskor na 101-84. Kabuuang 27 puntos naman ang iniambag nina Norman Powell at Delon Wright. Labing-anim na puntos at 14 na rebounds naman ang naitala ni Hassan Whiteside para sa Miami. Hawak ng Raptors ang 43-29 record samantalang 35-37 naman sa Miami. Sunod na makahaharap ng Raptors ang Dallas Mavericks samantalang ang Boston Celtics naman ang makalalaban ng Miami Heat.
Khan di-kumbinsidong pera ang dahilan kung bakit naunsiyami ang laban nila ni Pacquiao

Khan di-kumbinsidong pera ang dahilan kung bakit naunsiyami ang laban nila ni Pacquiao

Sports
Blangko umano si British Boxer Amir Khan sa totoong dahilan kung bakit hindi natuloy ang ikinasang laban nila ni boxing Senator Manny Pacquiao sa United Arab Emirates (UAE). Hindi aniya naniniwala si Khan na pera ang dahilan kung bakit kinansela ang laban nila ni Pacman. Una nang sinabi ni boxing promoter Bob Arum na hindi kaya ng UAE na maglabas ng 38 milyong dolyar para sa laban. Naging kaabang-abang ang Pacquiao-Khan fight dahil parehong nag-training sa ilalim ni Coach Freddie Roach ang dalawang boksingero.
Westbrook nagpakawala ng ika-35 triple double performance para ilampaso ang 76ers

Westbrook nagpakawala ng ika-35 triple double performance para ilampaso ang 76ers

Sports
Tinambakan ng Oklahoma City Thunder ang Philadelphia 76ers sa iskor na 122-97. Sa nasabing laro ay naitala ni Russell Westbrook ang kanyang ikatatlumpu’t limang triple-double performance. Pinakawalan ni Brook ang 18 puntos, 11 rebounds at 14 assists para mailampaso ang Sixers. Hawak din ni Westbrook ang triple-double performance nang walang sablay sa tira maging sa free throw. Si Nik Stauskas naman ang nanguna para sa Sixers sa kanyang 20 puntos.
Joel Embiid sasailalim sa knee surgery

Joel Embiid sasailalim sa knee surgery

Sports
Sasailalim sa surgery si Philadelphia 76ers center Joel Embiid dahil sa kanyang knee injury. Ayon kay 76ers Spokesperson Mike Preston, sa mga susunod na araw ay sasailalim na sa surgery si Embiid. Hindi naman nagdetalye si Preston kung saan gagawin ang operasyon. Si Embiid ay hindi na nakalaro simula noong Enero sa pagkatalo ng Philadelphia kontra-Houston Rockets.
Alaska nilampaso ang Blackwater Elite sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup

Alaska nilampaso ang Blackwater Elite sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup

Sports
Nasungkit ng Alaska Aces ang ikalawang sunod na panalo sa Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup matapos ilampaso ang Blackwater Elite sa iskor na 109-95. Nagpasiklab ulit ng kanyang double-double performance si Cory Jefferson na kumamada ng 28 puntos at 15 rebounds. Umabot sa 21 puntos ang kalamangan ng Aces sa third quarter bago mapababa sa pito ng Elite pagpasok ng huling quarter. Nakatulong din sa panalo ng Aces ang pagkaka-foul out ni Elite import Greg Smith pitong minuto bago matapos ang game.
Jerry Krause pumanaw na

Jerry Krause pumanaw na

Sports
Ipinagluluksa ngayon ng Chicago Bulls ang pagkamatay ni longtime Bulls Executive Jerry Krause. Pumanaw si Krause sa edad na 77. Si Krause ang itinuturing na arkitekto sa anim na world championship team ng Bulls. Nagsilbi si Krause bilang basketball operations department head ng Bulls noong Marso 1985. Naulila ni Krause ang asawang si Thelma, dalawang anak na sina Stacy at David at mga apong sina Colette, Josh, Mia at Riley.
Jessie Vargas determinado pa ring makalaban si Pacquiao

Jessie Vargas determinado pa ring makalaban si Pacquiao

Sports
Determinado pa rin si American boxer Jessie Vargas na muling makalaban si eight division world champion Manny Pacquiao. Ito ay kahit pa kailangan niya munang harapin si Timothy Bradley, Jr. na tumalo sa kanya noong Hunyo 2015 via unanimous decision. Naniniwala si Vargas na kung matatalo niya si Bradley ay sunod na rin niyang makare-rematch si Pacquiao. Parehong tinalo ni Paquiao sina Vargas at Bradley noong 2016 at pareho ring hindi pa bumabalik sa boxing ring simula nang talunin ng Filipino boxing legend.
Thompson, Curry nagpakawala ng 57 puntos vs OKC

Thompson, Curry nagpakawala ng 57 puntos vs OKC

Sports
Ipinahiya ng Golden State Warriors ang Oklahoma City Thunder nang tapusin nito ang laro sa iskor na 111-95. Nagpakawala ng 34 na puntos si Klay Thompson samantalang 23 puntos naman ang iniambag ni Stephen Curry para daigin ang Thunder. Nakapagposte naman si OKC star Russell Westbrook ng 15 puntos, 8 rebounds at 8 assists. Tinulungan naman si Westbrook ni Victor Oladipo na may 17 puntos. Hawak na ng Warriors ang 56-14 win-loss record samantalang 40-30 naman ang OKC.
Celtics guard Isaiah Thomas balik- hardcourt na

Celtics guard Isaiah Thomas balik- hardcourt na

Sports
Balik-basketball court si Boston Celtics guard Isaiah Thomas sa Lunes. Ito ay matapos siyang hindi makalaro nang dalawang beses dahil sa problema sa kanang tuhod. Naglaro si Thomas sa laban ng Celtics kontra Washington Wizards. Wagi naman ang Celtics sa nasabing laro sa iskor na 110-102. Hawak na ng Celtics ang 45-26 win-loss record.
Harden nagpakawala ng 39 na puntos sa panalo ng Rockets

Harden nagpakawala ng 39 na puntos sa panalo ng Rockets

Sports
Naging dikit man ang laban pero sa huli ay nanaig pa rin ang Houston Rockets kontra-Denver Nuggets. Tinapos ng Rockets ang Nuggets sa iskor na 125-124. Naitala naman ni James Harden ang 39 na puntos, 7 rebounds at 11 assists. Lead scorer naman para sa Nuggets si Garry Harris na nagtala ng 28 puntos. Hawak ngayon ng Rockets ang 48-22 win-loss record samantalang 33-36 naman ang Nuggets.