Showbiz – Page 31 – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Showbiz

Mga nakikiramay kay Kuya Germs, dagsa pa rin

News Center, Showbiz
Patuloy pa rin ang dagsa ng mga nakikiramay kay German “Kuya Germs” Moreno sa huling public viewing ng labi nito. 6:00 naman ngayong gabi ang Necrological Service sa home network nito sa GMA-7. Papayagang muli ang public viewing 10:00 ng gabi. Inaasahang muling bubuhos ang mga bigating Showbiz personalities para magbigay ng huling respeto sa tinaguriang Master Showman. Bukas ay ihahatid sa kanyang huling hantungan si Kuya Germs sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Huling araw ng burol ni Kuya Germs, dinagsa pa rin ng mga malalaking pangalan sa Showbiz

News Center, news photo, Showbiz
Buhos sa huling araw ng burol ni German “Kuya Germs” Moreno ang mga naglalakihang pangalan sa Showbiz. Ilan sa mga bumisita sa yumaong star builder sina batangas Governor Vilma Santos, Ramon Revilla Sr., Gloria Romero, Caridad Sanchez, at Boy Alano. Ngayong araw magsasagawa ng misa, public viewing at memorial book signing para sa tinaguriang Master Showman. Bukas nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan si Kuya Germs sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Miss Universe Pia Wurtzbach, magiging bridesmaid sa kasalang Vic Sotto-Pauleen Luna

News Center, news photo, Showbiz
Hindi pa man kinukumpirma ng couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna kung anong petsa ang kasal nila, malakas ang hinala at usap-usapan na sa darating na Enero 30 ngayong taon ang inaabangang engrandeng kasalan ng dalawa. Nitong nagdaang araw ay idinaos ang stag party para sa Ace Comedian kung saan nakasuot ng pareho-parehong t-shirt ang mga dumalo. Nakasulat sa t-shirt ang salitang “bossing” at may pahabol pa sa ilalim nito na ang petsang January 30, 2016. Gusto sana ni Vic na maging pribadong seremonya ang pag-iisang dibdib nila ni Pauleen. Samantala, nagkumpirma na rin ng pagdalo sa kasalang Vic at Pauleen si 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach kung saan isa siya sa mga tatayong bridesmaids sa kasal. Si Pia na best friend ni Pauleen mula pa ng kanilang pagkabata ...

Sean Penn, no regrets sa kontrobersyal na interview kay El Chapo

National News, Showbiz
No regrets ang Amerikanong Aktor na si Sean Penn sa kanyang controversial interview sa Mexican Drug Lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman. Ayon kay Penn, wala naman siyang itinatago kaya wala ring pangamba sa naglalabasang mga pictures kung saan nakita ng Mexican Officials ang pagbisita niya kay El Chapo. Maninindigan daw si Penn kahit pa isasailalim siya sa interrogation ng Mexican Government.

Ash Ortega, aminadong nanliligaw sa kanya ang kapwa Kapuso Artist na si Juancho Triviño

News Center, Showbiz
Aminado ang Kapuso Artist na si Ash Ortega na nililigawan siya ng kasamahan at dating katrabaho na si Juancho Triviño. Say ng dalaga, nararamdaman niya ang intensyon ni Juancho na manligaw sa kanya pero prayoridad pa rin naman nilang dalawa ang kani-kanilang career. Pero itinanggi ni Ash na may relasyon na silang dalawa. Paglilinaw niya magkaibigan lang sila ng binata at kung lumalabas man sila ay kasama ang kanilang iba pang friends.

Mga nakikiramay sa pagpanaw ni Legendary Musician David Bowie, patuloy sa pagdagsa

News Center, Showbiz
Patuloy ang pagbuhos ng mga nakikiramay sa pagpanaw ng Legenday Musician na si David Bowie makaraang pumanaw ito sa edad na 69. Si Bowie ay binawian ng buhay makaraan ang 18 buwan na pakikipagsapalaran sa sakit na cancer. Bago namatay ang Rock Icon ay nakapagpalabas pa ito ng bagong album na “Blackstar” kasabay ng kaniyang ika-69 na kaarawan. Kaya’t ayon sa malalapit na kaibigan ni Bowie, maituturing na biglaan ang pagkamatay nito matapos na mag-anunsiyo ng kaniyang pagbabalik sa industriya ng musika. Maging si British Prime Minister David Cameron ay nanghinayang sa pagkamatay ni Bowie dahil malaking kawalan umano ito sa industriya, Tinawag pa ni Cameron si Bowie na Pop Genius at Master of Reinvention na kaniya ng kinalakihan. Naghatid naman ng kanilang mensaheng p...

Mga nagbibigay ng huling respeto kay Master Showman Kuya Germs Moreno, patuloy sa pagdagsa

News Center, Showbiz
Patuloy ang pagbuhos ng mga nakikiramay sa burol ni German “Kuya Germs” Moreno sa Mt. Carmel Chapel sa Quezon City. Hindi nga mapigil ang pagdating ng mga malalapit na kaibigan sa Showbiz, mga kamag-anak at maging mga tagahanga na nais masilayan sa huling pagkakataon ang labi ng haligi ng Philippine Showbiz. Halos hindi mawala ang mga celebrities na bumibisita sa burol ni Kuya Germs, lalo na ang mga artista na kaniyang natulungan para makilala sa larangan ng pelikula. Mahigit 5 dekada rin si Kuya Germs sa industriya ng Showbiz na ang tanging layunin ay tumulong sa mga nag-aasam na magkaroon ng break. Para sa mga gustong bumisita sa labi ng tinaguriang Master Showman, magtatagal hanggang bukas araw ng Martes ang public viewing. Dadalhin din ang labi ni Kuya Germs sa Enero...

Magarbong pagsalubong sa pag-uwi sa bansa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, pinaghahandaan na

News Center, Showbiz
Puspusan na ang paghahanda para sa magarbong pagsalubong sa pagbabalik ng Pilipinas ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ngayong buwan ng Enero. Tiniyak ni Binibining Pilipinas Charities Incorporated Chairwoman Stella Marquez-Araneta ang pagdating ni Pia sa Enero 23 na manggagaling sa Jakarta, Indonesia. Sa Enero 25, araw ng Lunes, isasagawa ang Grand Parade kay Pia. Magmumula ang parada sa Quezon City patungo sa lungsod ng Maynila at Makati. May mga nakahanda na ring iskedyul ang Binibining Pilipinas Charity para sa charity works, pagbisita sa Malakanyang at pagtungo ni Pia sa kongreso at senado sa mga susunod na araw. Siyempre hindi makakalimutan ni Pia na dumalo sa araw ng kasal ng kaniyang bff na si Pauleen Luna at tv host comedian Vic Sotto. Kaya’t nag-request siya ...

Mansion sa Los Angeles, California, balak na raw ibenta ni Mega Star Sharon Cuneta

News Center, Showbiz
Gaano kaya katotoo ang mga balitang ibinibenta na raw ng aktres na si Sharon Cuneta ang kaniyang mansion sa Los Angeles California? Lumabas sa pahayagan ng Los Angeles Times na ibinibenta na talaga ni sharon ang kaniyang Calabasas Mansion sa halagang $2,190,000. Ang nasabing mansion ay nabili ng aktres/singer 6 na taon na ang nakakalipas sa halagang $2,000,000, Naitayo ang naturang 2-storey mansion noong 1997, na mayroong “grand foyer at marble floors”. Makikita sa loob ng mansion ang family room, library, at center island na kusina. Matatanaw naman sa labas ng bahay ang taniman na may covered court, swimming pool na may spa at waterfalls, at ang built-inn barbecu grill.

Mga pelikulang kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) kumita ng mahigit 800 milyong piso sa nakalipas na 9 na araw

News Center, Showbiz
Sa nakalipas na 9 na araw ay mahigit 800 milyong piso ang kinita ng mga pelikulang kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF). Sinabi ng MMFF na nasa 834 milyong piso na ang ticket sales mula nang magsimula ang taunang film festival nitong Disyembre 25 hanggang Enero 2. Nasa top 4 pa rin ng may pinakamalaking kinita ang My Bebe Love, Beauty and the Bestie, Haunted Mansion at ‪#‎Walangforever. Kabilang din sa film festival ang All You Need Is Pag-Ibig,Nilalang, Honor Thy Father at Buy Now, Die Later. Inaasahang lalaki pa ang kita nito hanggang sa matapos ang film fest sa Enero 7, Huwebes.