Showbiz – Page 2 – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Showbiz

Angel Locsin hindi na gaganap bilang ‘Darna’

Angel Locsin hindi na gaganap bilang ‘Darna’

Showbiz
Kinumpirma na ni Angel Locsin na hindi na siya muling makalilipad bilang “Darna.” Paliwanag ni Angel, hindi na siya maaaring gumanap na “Darna” dahil sa muling pananakit ng kanyang spine. Mismong ang training coach na raw ni Angel ang nag-report sa kanyang TV network na nakararamdam ulit siya ng pananakit ng likod. Sinabi naman ng aktres na ayaw niyang madismaya ang fans na umaasang siya ang gaganap na “Darna” sa pelikula pero kailangan niyang tanggapin na hindi na niya ito magagampanan dahil sa kanyang kalagayan. Tiniyak naman ni Angel sa kanyang fans na marami pa siyang ibang gagawing kaabang-abang na proyekto.
Ai-Ai ‘Best Actress’ sa Queens World Film Festival

Ai-Ai ‘Best Actress’ sa Queens World Film Festival

Showbiz
Nasungkit ng aktres na si Ai-Ai Delas Alas ang “Best Female Actor” award sa 7th Queens World Film Festival na ginanap sa Astor, Queens, New York City. Itinanghal na “Best Actress” si Ai-Ai sa kanyang naging pagganap sa 2016 film na “Area” sa direksiyon ni Louie Ignacio. Tinalo ni Ai-Ai ang mga kapwa nominadong sina Karin Hanczewsk, Dorothea Hagena at American actress Amy Redford. Matatandaang nagwagi rin ang pelikulang “Area” ng special jury prize sa 12th Eurasia International Film Festival.
Lorna Tolentino sarado na sa pag-ibig

Lorna Tolentino sarado na sa pag-ibig

Showbiz
Sarado na si Grandslam Queen Lorna Tolentino sa bagong pag-ibig. Ayon kay Ms. T, masyado na raw siyang matanda para ma-in love ulit. Say pa ng 55-year-old actress, number one na kailangang i-consider ay ang edad, pangalawa ang kanyang mga anak at pangatlo ang hormonal imbalance na pinagdadaanan samantalang tumatanda. Wala naman daw problema kay Lorna na makipagkaibigan pero hindi na aabot pa sa pakikipag-date. Samantala, itinanggi ng aktor na si Ronnie Alonte na mayroon silang relasyon ng komedyanteng si Vice Ganda. Ayon sa hashtag member, matalik na kaibigan lamang ang turing niya kay Vice. Sinabihan na rin daw ni Ronnie ang kanyang fans na huwag nang bigyan pa ng kulay ang friendship nila ng TV host-comedian.
Kylie Padilla ibinida ang paghahanda ni Aljur sa pagiging ama nito

Kylie Padilla ibinida ang paghahanda ni Aljur sa pagiging ama nito

Showbiz
Ibinida ng aktres na si Kylie Padilla ang ginagawang paghahanda ng aktor na si Aljur Abrenica para sa pagiging ama nito sa kanilang anak. Ayon sa aktres, nakikita niya ang effort at pagiging mas matured ni Aljur sa pagiging soon-to-be father nito. Aniya, hindi lamang great lover si Aljur, kundi hands on din ito sa daddy duties, bagay raw na mas nakai-in love. Matatandaang buwan ng Enero nang kumpirmahin ng dalawa ang pagbubuntis ni Kylie na sinundan ng pangatlong marriage proposal. Inaasahang isisilang ni Kylie ang panganay nila ni Aljur sa huling linggo ng Hulyo o unang linggo ng Agosto.
Mike Tan, hindi pa pakakasalan ang non-showbiz GF na 10 taon nang karelasyon

Mike Tan, hindi pa pakakasalan ang non-showbiz GF na 10 taon nang karelasyon

Showbiz
Sampung taon na ang relasyon ng aktor na si Mike Tan sa kanyang non-showbiz girlfriend. Pero say ng aktor, hindi pa sila magpapakasal sa lalong madaling panahon. Napag-usapan na raw nila ng girlfriend ang kasal pitong taon na ang nakalilipas pero sa tantiya ng 30-year old actor, tatlo o apat na taon pa bago mangyari ito. Sa ngayon aniya ay may sari-sarili pa silang goals na gustong maabot.
Emma Watson planong kasuhan ang nag-leak ng personal photo

Emma Watson planong kasuhan ang nag-leak ng personal photo

Showbiz
Planong magsampa ng kaso ng “Beauty and the Beast” actress na si Emma Watson laban sa nagpakalat ng kanyang personal na larawan sa Internet. Ayon sa kampo ng aktres, ninakaw ng hindi pa nakikilalang hackers ang larawan nito samantalang nagsusukat ng mga damit. Gayunman, itinanggi ng kampo nito na may maselan na larawan ang nakuha salungat sa kumakalat na balita sa Internet at mga blog. Ang mga naturang larawan ay pinost umano sa ‘dark-web,’ isang website na ilan lamang ang nakaaalam. Sa ngayon, hindi pa malinaw sa abugado ng aktres ang gagawing plano at aksiyon kung sino ang kakasuhan.
Malaking halagang nawala sa bank account ni Janella Salvador, naibalik na

Malaking halagang nawala sa bank account ni Janella Salvador, naibalik na

Showbiz
Naibalik na ang lagpas sa sandaang libong pisong halaga na nabawas sa laman ng bank account ng aktres na si Janella Salvador. Kuwento ng ina ni Janella na si Jenine, nagtaka sila nang makita sa bank statement ng anak na nagkaroon ito ng magkakasunod na transaksiyon noong Agosto 2016 sa Tokyo Disneyland gayong hindi naman sila nagpunta sa Japan noong mga panahong iyon. Ikinalungkot naman ni Janella na may ibang tao na nagagawang magnakaw ng pera na pinaghirapan ng iba. Laking pasasalamat naman ng ina ng aktres sa kanilang bangko dahil naibalik na ang nawalang halaga.
Shawn Mendes dumating na sa bansa para sa concert

Shawn Mendes dumating na sa bansa para sa concert

Showbiz
Dumating na sa bansa ang Canadian singer na si Shawn Mendes para sa kanyang nalalapit na concert. Nakatakdang mag-concert ang singer sa March 18, araw ng Sabado, na gaganapin sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City. Kabilang sa mga kantang pinasikat ni Shawn ay ang “Stitches,” “Treat You Better” at “Mercy.” Pinagkaguluhan naman ang singer ng kanyang Pinay fans na matiyagang naghintay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Mocha Uson, imbitadong guest speaker ng PA

Mocha Uson, imbitadong guest speaker ng PA

Showbiz
Inimbitahan ng Philippine Army (PA) ang singer-blogger na si Mocha Uson para maging resource person sa kanilang ikasampung senior leaders conference. Gaganapin ang nasabing kumperensiya sa Marso 20 hanggang 21 sa Fort Bonifacio. May tema itong “Embracing diversity, building a strong army,” kung saan ay nasa sandaan at walumpung army senior officers at iba pang special guests ang inaasahang dadalo. Binira naman ni Uson ang kanyang mga kritiko kasabay ng pagpo-post ng nasabing imbitasyon ng PA sa kanyang Facebook page. Sa nasabing post ay sinabi ni Uson na gusto niyang isampal sa mga aniya’y dilawang trolls na mapahihiya ang mga ito sa kanilang fake news issue. Kung fake news blogger umano siya ay hindi siya bibigyan ng oportunidad na magsalita sa PA bilang guest speaker. Umani...
‘Bato-bato pick’ video nina Isabelle Daza at Pietro Boselli, viral

‘Bato-bato pick’ video nina Isabelle Daza at Pietro Boselli, viral

Showbiz
Viral ngayon sa social media ang video ng aktres na si Isabelle Daza kasama ang ‘world’s hottest Math teacher’ na si Pietro Boselli samantalang naglalaro ng ‘bato-bato’ pick with a twist. Sa Instagram post ni Isabelle, makikitang tinuruan niya ang Italian model ng ‘bato-bato pick,’ kung saan ay may kakaibang punishment sa matatalo. Ang matatalo ay isa-isang aalisin ang suot na gamit. Ang video ay isang uri ng endorsement ng dalawa sa isang clothing brand sa bansa.