Provincial – Page 41 – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Provincial

1 miyembro ng bandidong Abu Sayyaf, patay sa inilunsad na operasyon ng militar sa Sulu

News Center, news photo, Provincial
Patay ang 1 miyembro ng Abu Sayaff Group matapos ang inilunsad na Special Intelligence Operations ng mga Security Forces sa lalawigan ng Sulu. Nakilala ang biktima sa pangalang Haber Alyas Abu Qudama. Isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon sa Sitio Annur Barangay Buanza, Indanan, Sulu. Ayon sa mga awtoridad, si Abu Qudama ay kabilang sa grupo ni ASG Sub Lider Sibih Pisih. Kinumpirma naman ni Brigadier General Alan Arrojado, na ang nasawing asg member ay sangkot sa sipadan at pearl farm kidnappings sa Davao Del Norte noong taong 2001. Sa katunayan aniya ay mayroong pending warrant of arrest si Qudama.

1 pasyenteng hinihinalang may MERS-COV inu-obserbahan ngayon sa isang ospital sa Cagayan De Oro City

News Center, news photo, Provincial
Kinumpirma ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) sa Cagayan De Oro City na nasa kanilang ospital ang isang pasyenteng hinihinalang nagtataglay ng Middle East Respiratory Syndrome Corona-Virus (MERS-CoV). Tiniyak din ng NMMC na naka-isolate na ang nasabing pasyente para sumailalim sa obserbasyon. Wala pang kumpirmasyon mula sa pamunuan ng nmmc kung positibo nga sa sakit na MERS-CoV ang pasyente. Una ng panaulat na nakitaan ng sintomas ng MERS-CoV ang nasabing pasyente na nanggaling umano sa bansang Singapore. Tiniyak naman ng NMMC na kung magpositibo man ang pasyente sa MERS-CoV ay nakahanda naman ang kanilang pasilidad na bigyan ito ng kaukulang medikasyon. Taong 2014 ng unang napaulat na isang Pinoy Health Worker mula sa United Arab Emirates ang naging pinakaunang car...

Mga taga Cagayan De Oro City, naalarma sa balitang nakapasok na sa kanilang lugar ang MERS-COV

News Center, news photo, Provincial
Nangangamba ang mga taga Cagayan De Oro sa balitang nakapasok na sa siyudad ang carrier ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) Corona Virus (COV). Una ng kumalat ang mga text messages na isang pasyente na positibo sa MERS-COV na galing sabal hospital ang nadala at naipasok sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) sa Cagayan De Oro. Ayon sa isang source, nag-shopping pa umano sa mall ang carrier ng MERS Virus. Inaantay na lang ng publiko ang paglilinaw ng Health Department ng siyudad kaugnay sa naturang balita. Nabatid na ang MERS-COV ay isang klase Ng Viral Respiratory Disease na sanhi ng novel Corona-Virus na unang nadiskubre sa Saudi Arabia noong 2012. Nilinaw rin ng World Health Organization (WHO) na nakakahawa ito sa pamamagitan ng close physical contact at hindi â...

2 katao, sugatan matapos sumabog ang isang improvised explosive device sa Sultan Kudarat

News Center, news photo, Provincial
Sugatan ang dalawa katao matapos sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Ayon sa mga awtoridad, iniwan ang bomba ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa isang nakaparadang kotse sa harap ng Fitmart Mall at Gasoline Station. Kinilala naman ng mga awtoridad ang dalawang sugatan na sina Patricio Pepeto, 51 taong gulang at Nicole Fobar, 20 taong gulang. Dalawang anggulo ang tinitingnan ngayon ng mga awtoridad kasabay ng pista ng lungsod kung saan bisita ang Vice Presidential Candidate ng Liberal Party na si Leni Robredo. Nabatid na kakadaan lang umano ng convoy ni Robredo ng maganap ang pagsabog. Umaasa ang mga imbestigador na makakatulong sa imbestigasyon ang kuha ng CCTV camera sa lugar kung saan nangyari ang pagsabog.
Pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Western Visayas, ibinaba na rin

Pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Western Visayas, ibinaba na rin

News Center, news photo, Provincial
Ipinatutupad na ang 50 sentimos na bawas pasahe sa buong Western Visayas para sa mga Public Utility Jeepney (PUJ). Nagsimula kahapon ang pagpapatupad sa Mandatory Provisional Fare Reduction. Mula sa 7 pesos na regular fare, ito ay naging 6.50 na lamang, habang 5 piso na lang para sa mga estudyante, Senior Citizens at Persons with Disability (PWD) mula sa dating 5.50 sa unang 5 kilometro. Ayon sa LTFRB Region 6, ang dagdag singil sa susunod na kilometro ay mananatili sa 1.15 sa regular fare samantalang 92 sentimos naman para sa mga estudyante, Senior Citizens at PWD. Nilinaw ng LTFRB Region 6, na hindi apektado sa bawas pasahe ang 40 pesos na flagdown rate ng mga taxi.

Ilang lugar sa Mindanao, niyanig ng sunud-sunod na lindol

News Center, news photo, Provincial
Sunod-sunod na mga pagyanig ang naramdaman sa General Santos City at Saranggani, Davao Occidental. Huling naramdaman ang intensity 2 na lindol  sa General Santos City, habang nakaramdam din ng magnitude 4.2 na lindol ang Saranggani, Davao Occidental bandang 3:48 ng hapon kahapon. Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay nasa 23 kilometro sa hilagang-kanluran ng nasabing lugar at tectonic ang origin. Samantala, niyanig ng kaparehong magnitude na lindol ang Saranggani Occidental kahapon ng 5:08 ng umaga. Unang nakaranas ng limang beses na sunod-sunod na pagyanig ang nabanggit na lugar sa magkakaibang oras na kung saan umabot sa 6.4 magnitude na lindol ang pinakmalakas na naitala.

7 Private Armed Groups na kumikilos sa lalawigan ng Samar, tinututukan na ng Philippine National Police

News Center, news photo, Provincial
Patuloy na tinututukan ng Philippine National Police Regional Office 8 ang 7 Private Armed Groups (PAGs) na kumikilos sa lalawigan ng Samar. Kabilang dito ang tinaguriang Montealto Group, Montealto Breakaway Group, Sta. Margarita Group, Boloboco, the Matuguinao Group at Gandara Group. Mahigit sa 39 na mga miyembro ng Private Armed Groups ang pinaghahanap ng mga awtoridad. Ayon kay Police Regional Office Eight Director Jose Erwin Villacorte, posibleng maging hadlang ang naturang mga grupo sa kaayusan para sa nalalapit na eleksyon. Dahil dito, nag-deploly na ng 300 mga pulis sa iba’t-ibang lalawigan at siyudad sa rehiyon para sa seguridad ng mamamayan sa itinuturing na election watchlist. Nakikipag-ugnayan na rin ang Commission On Elections (COMELEC) Region 8 sa PNP at Milit...

3 political supporter, sugatan matapos ratratin ng mga umano’y tauhan ng isang diniskuwalipikang kandidato sa Lanao Del Norte

News Center, Provincial
Sugatan ang 3 political supporters matapos paulanan sila ng bala ng umanoy grupo ni disqualified Mayor Rommel Amado sa harap mismo ng Municipal Hall ng bayan ng kauswagan, Lanao Del Norte. Naganap ang pamamaril ilang oras bago ipatupad ang Nationwide COMELEC Gun Ban. Sa imbestigasyon ng pulisya, nakainom ng alak si Amado ng lumapit kasama ang kaniyang Civil Security Unit sa encampment tents ni dating Lanao Del Norte Board Member Casan Maquiling at saka nagpaputok ng baril. Agad naman umanong inawat ng pulisya ang grupo ni Amado, subalit hindi umano ito sumunod sa pakiusap ng mga awtoridad. Kabilang sa mga sugatan ang 2 lalaki at 1 babae na agad namang dinala sa pagamutan. Kaugnay nito, inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kaso laban kay Amado at sa kaniyang mga persona...

2 katao, patay sa aksidente sa lalawigan ng Quezon

News Center, Provincial
2 ang patay kabilang ang isang pulis matapos bumangga sa puno ang sinasakyang Honda Civic sa Highway sa bayan ng General Nakar sa lalawigan ng Quezon. Kinilala ang mga biktima na sina John Jay Astrera at Police Officer One Von Karlo Astrera. Dinala naman sa ospital sa Maynila ang 2 pang sugatang mga pasahero ng kotse. Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na iniwasan umano ng driver ang isang pothole na naging sanhi para mawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan.

Isang paramilitary group, itinuturong nasa likod ng pagpatay sa isang Tribal Chieftain sa Agusan Del Sur

News Center, Provincial
Ang paramilitary group na magahat ang responsable umano sa pagpatay sa isang Tribal Chieftain sa Agusan Del Sur. Ito ang ibinulgar ni Ka Maria Malaya, tagapag-salita ng National Democratic Front-Northeastern Mindanao Region. Sa sulat kamay na nilagdaan ni Malaya, sinabi nito na ang grupo ng magahat sa pamumuno ni Calpit Igua ang brutal na pumatay sa biktimang si Juan Perez. Napag-alaman na si Perez ay sumusuporta umano sa rebeldeng New People’s Army (NPA) kahit isa itong miyembro ng CAFGU. Dahil dito, tuluyan nang lumikas ang pamilya Perez sa takot na balikan ng grupo ni Igua.