National News – Page 2 – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

National News

Duterte, Robredo inaasahang magkikita sa graduation rites ng PNPA ngayong araw

Duterte, Robredo inaasahang magkikita sa graduation rites ng PNPA ngayong araw

National News
Inaasahang muling magkikita si Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa graduation ceremony ng Philippine National Police Academy (PNPA) ngayong araw. Ito ay kung pagbabasehan ang iskedyul ng dalawang mataas na opisyal. Parehong nakatakdang dumalo sina Duterte at Robredo sa pagtatapos ng 144 PNPA Masidlak Class of 2017 sa Gen. Cicero Campos Grandstand sa Silang, Cavite. Magsisilbing guest of honor ang pangulo at maggagawad ng Presidential Kampilan sa topnotcher ng PNPA Masidlak Class of 2007 samantalang igagawad naman ni Robredo ang Vice Presidential Kampilan sa may ikalawang may pinakamataas na grado. Huling nagkita ang dalawang mataas na opisyal noong graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA).
Duterte tiwalang kaya siyang protektahan ng bagong PSG commander

Duterte tiwalang kaya siyang protektahan ng bagong PSG commander

National News
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na marami siyang naging kaaway mula nang maupo siya sa puwesto. Ginawa ng pangulo ang pahayag nang pangunahan niya ang change of command ng Presidential Security Group (PSG). Ayon kay Duterte, may mga taong hindi natutuwa sa mga repormang ipinatutupad ng administrasyon. Sinabi naman ng pangulo na paniguradong magiging abala ang bagong PSG commander na si Colonel Lope Dagoy dahil sa dami ng kanyang naging kaaway. Kumpiyansa naman ang pangulo sa kakayahan ni Dagoy na protektahan siya at ang kanyang pamilya at ang buong PSG. Nangako naman si Dagoy na buong-puso nitong poprotektahan ang seguridad ng pangulo.
20 power plants sa bansa isasailalim sa maintenance shutdown

20 power plants sa bansa isasailalim sa maintenance shutdown

National News
Nasa dalawampung planta ng kuryente sa buong bansa ang nakatakda umanong isailalim sa maintenance shutdown. Inaasahang makaaapekto ito sa suplay ng kuryente, lalo na pagdating ng summer na may mas mataas na demand ng kuryente. Pero pagtitiyak ng Department of Energy (DOE), hindi naman sabay-sabay na isa-shutdown ang dalawampung planta. Sa kabila rin nito, tiniyak ng ahensiya na sapat ang suplay at reserba ng kuryente sa bansa.
Alejano muling bumanat kay Pangulong Duterte

Alejano muling bumanat kay Pangulong Duterte

National News
Pinalagan ni Magdalo Representative Gary Alejano ang pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang unang ipadadala nito sa Spratly Island para labanan ang China. Ayon kay Alejano, hindi dapat ipasa ni Duterte ang responsibilidad nito na ipagtanggol ang interes ng bansa. Nais aniyang ipaalaala ni Alejano kay Duterte na kung mayroon man na unang dedepensa sa bansa ay walang iba kundi ang pangulo. Sinabi pa ng kongresista na mistulang binasura ni Duterte ang arbitration ruling na paborable sa Pilipinas kapalit ng bilyong pisong investment at loans mula sa China. Una namang nilinaw ng Malakanyang na handa ang pangulo na ipagtanggol ang interes ng bansa.
PNP chief umapelang maging ‘fair and balance’ sa pagbabalita tungkol sa war on drugs

PNP chief umapelang maging ‘fair and balance’ sa pagbabalita tungkol sa war on drugs

National News
Sinegundahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang panawagan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo na bawas-bawasan ang mga ulat tungkol sa extrajudicial killings (EJKs) at mga napapatay sa war on drugs. Ito ay dahil nahihirapan daw ang DOT na i-promote ang bansa dahil sa mga pahayag at media reports tungkol sa drug-related killings. Umapela naman si Dela Rosa ng ‘fairness’ at ‘balanced reporting’ tungkol sa anti-drug operations. Hiling din ng hepe ng pulisya na huwag masyadong ipakita na masama ang war on drugs, kundi dapat ay maging balanse lamang.
Duterte naghuhugas-kamay lang sa planong i-impeach si Robredo

Duterte naghuhugas-kamay lang sa planong i-impeach si Robredo

National News
Hindi kinagat ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagrenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kaalyado na nagbabalak na maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Ayon kay Trillanes, naghuhugas-kamay lamang si Duterte sa isyu. Sinabi pa ng senador na kung hindi naman susundin si Duterte ng kanyang mga alagad ay paniguradong niloloko lamang nito ang taumbayan. Una na rito, nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi niya iaatras ang planong paghahain ng impeachment complaint laban kay Robredo sa kabila ng apela ni Duterte.
Pagpapalutang sa Martial Law scare tactic umano ng pangulo

Pagpapalutang sa Martial Law scare tactic umano ng pangulo

National News
Scare tactic. Ganito inilarawan ni dating Commission on Human Rights (CHR) Chair Etta Rosales ang makailang ulit na pagpapalutang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martial Law. Pero ayon kay Rosales, hindi dapat balewalain ang mga pahayag ni Duterte tungkol sa pagpapataw ng Martial Law. Binatikos din ni Rosales ang aniya’y makitid na konsepto ng pangulo sa paglutas sa mga problema ng bansa. Aniya, ang tanging alam lang ng pangulo ay gumamit ng dahas. Pinayuhan naman ng dating CHR chair si Duterte na kumonsulta sa mga dalubhasa sa pamahalaan at pribadong sektor para makatuwang nito sa pagresolba sa mga problema ng bansa.
Echiverri inaresto sa Sandiganbayan

Echiverri inaresto sa Sandiganbayan

National News
Inaresto mismo sa Sandiganbayan si dating Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri. Nahaharap si Echiverri sa kasong graft dahil sa umano’y maanomalyang drainage projects sa lunsod noong 2011. Hindi umano dumaan sa bidding ang pag-award ni Echiverri ng kontrata sa EV&E. Construction at Golden 3T Construction para sa pagsasaayos ng mga drainage system sa dalawang kalsada sa Caloocan. Agad namang nakapaglagak ng piyansa si Echiverri.
Pamilya Marcos di-pabor sa impeachment complaint laban kay Robredo

Pamilya Marcos di-pabor sa impeachment complaint laban kay Robredo

National News
Hindi pabor ang Pamilya Marcos sa impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Leni Robredo. Ito ang inihayag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos kasunod ng paghahain ng impeachment complaint ni Atty. Oliver Lozano na kilalang Marcos loyalist. Ayon kay Marcos, mas gugustuhin pa raw nila lalo na ng kanyang kapatid na si dating Senador Bongbong Marcos na ipursigi ang election protest laban kay Robredo. Binigyang-diin ng gobernadora na wala ring kinalaman ang kanyang pamilya sa pagsasampa ng naturang impeachment complaint. Aniya, si Lozano umano ay may sariling hakbang at wala silang control dito.
LP, di pupunuan ang mga nabakanteng posisyon sa Kamara

LP, di pupunuan ang mga nabakanteng posisyon sa Kamara

National News
Walang plano ang Liberal Party (LP) na punuan ang mga nabakanteng posisyon ng House leaders sa Kamara. Ito ay matapos bawian ng puwesto ng liderato ng Kamara ang LP congressmen na tumutol sa Death Penalty Bill. Sinabi ni House Deputy Speaker Miro Quimbo na kailangan nilang protektahan ang mga miyembro ng kanilang partido na bumotong di-pabor sa kontrobersiyal na panukala. Giit ng kongresista, hindi nila maaaring punuan ang mga nabakanteng posisyon sapagkat mistulang parusa lamang daw ang labas niyon. Ayon kay Quimbo, dapat lamang nilang panindigan ang kanilang mga prinsipyo. Aniya, nasa mayorya na ang desisyon kung sino ang itatalaga nila sa mga nabakanteng posisyon.