Metro News – Page 43 – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Metro News

MMDA sisimulan na ang “Oplan Baklas” ngayong araw

Metro Manila, Metro News
Mahigpit na pasisimulan ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang  pagpapatupad ng “Oplan Baklas” sa Metro Manila. Unang babaklasin ng MMDA ang mga iligal na campaign materials na nakakabit sa mga lugar na hindi itinakda ng Commission on Election (COMELEC). Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, nasa isandaang tauhan ang mag-uumpisa sa pagkutkot sa mga nakadikit na mga posters at stickers sa mga pader at poste. Tatanggalin din ang mga tarpaulins na nakasabit sa mga lugar na hindi kasama sa “common poster areas” na idineklara ng COMELEC. Kabilang dito ang nakasabit sa poste, puno, at maging sa mga kawad ng kuryente. Samantala, hindi naman maaaring baklasin ang mga campaign materials na nakakabit sa mga bahay dahil nasa pribadong lugar naman...

Isang opisyal ng Phil. Army natodas sa Muntinlupa City

Metro Manila, Metro News
  Patay ang isang mataas na opisyal ng Philippine Army matapos bumagsak habang tumatakbo sa isang marathon na ginanap na “Run for a Hero” sa Condura Skyway Muntinlupa City. Dineklarang dead on arrival sa isang pagamutan ang biktimang si Major Arnold Lubang ,40 anyos, nakatalaga sa G-5 ng Philippine Army sa Fort Bonifacio ,Taguig City. Base sa isinumiteng report ni Senior Supt. Nicolas Salvador hepe ng Muntinlupa City Police natapuang nakahandusay si Lubang  500 metro ang layo mula sa Skyway Toll Exit Southbound  ng Alabang. Dinala naman sa PNP Crime Laboratory ang labi nito upang isailalim sa awtopsiya para mabatid ang sanhi ng pagkamatay nito.  

Planong modernisasyon ng Bureau of Corrections, suportado ng mga bilanggo ng New Bilibid Prison

Metro News, News Center, news photo
Suportado ng mahigit sa 500 inmates ng New Bilibid Prison ang planong modernisasyon ng Bureau of Corrections (BuCor). Ito rin ang dahilan ng anim na araw ng “hunger strike” ng 2 prison guard. Kasabay nito, nagsagawa ng parada sa kanilang compound ang may 578 mga bilanggo bilang pagsuporta sa ipinaglalaban nina jailguard Chito Pastino at Alvin Faeldo. Nagtayo na rin ng tent ang 2 prison guard sa loob ng NBP compound makaraang mag-file ng “absence” sa kanilang trabaho. Ayon sa 2 jailguard, 2013 pa naisabatas ang Republic Act 10575 o Bureau of Corrections Modernization Act, subalit hindi pa rin naipapatupad hanggang ngayon. Nakasaad din sa nasabing batas ang dagdag sweldo at benepisyo para mga jailguards ng BuCor. Sa kasalukuyan ay nasa 2,600 lamang umano ang prison ...

Supply ng tubig sa Metro Manila, sapat parin sa kabila ng dinaranas na El Niño sa bansa

Metro News, News Center, news photo
Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na may sapat na suplay ng tubig sa Metro Manila sa kabila ng dinaranas na El Niño sa bansa. Kabay nito, nagbabala pa rin ang NWRB na kailangan pa rin ang ibayong pagtitipid sa paggamit ng tubig dahil baka tumagal ang tagtuyot hanggang sa buwan ng Hulyo o sa kalagitnaan ng taong kasalukuyan. Ayon sa NWRB, sapat pa ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila na may 42 cubic meter per second. Malaking tulong anila ang mga pag-ulan noong 2015 upang ang Angat Dam ay makaipon ng mahigit sa 212 flood season High Water Level.

Serye ng brutal na pagpatay sa mga pusa sa Dasmariñas Village, pinaiimbestigahan na ni Makati City Mayor Kid Peña

Metro News, News Center, news photo
Inatasan ni Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña ang veterinary services office ng lungsod na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umanoy serye ng brutal na pagpatay sa mga pusa sa loob ng isang exclusive subdivision sa lungsod. Ayon kay Peña, bilang mayor, hindi niya papayagan ang kahit sino sa makati na pumatay ng hayop tulad ng pusa at aso. Sinabi ni Peña, na ang mga pusa ay tulad din ng aso na itinuturing na “man’s best friends” kung kayat dapat itong bigyan ng pagkalinga. Nakahanda si Peña na magbigay ng pabuya sa sinumang makapagbibigay impormasyon para mapabilis ang pag-aresto sa pagmamaltrato sa mga pusa sa lungsod. Una ng nag-alok ang People for Ethical Treatment of Animals Asia (peta) ng 50 pisong pabuya para maresolba ang naturang kaso. Hindi rin daw...

Traffic re-routing kaugnay ng paggunita sa ika-30 anibersaryo ng People Power Revolution, inihahanda na ng MMDA

Metro News, News Center, news photo
Puspusan na ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa traffic re-routing para sa ika-30 anibersaryo ng People Power Revolution sa Pebrero 25. Una ng idineklara ng malakanyang na non-workinholiday ang Pebrero 25. Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, kahit holiday ay kailangan pa ring ilatag ang Traffic Management Plan para sa naturang okasyon. Samantala, una ng isasara sa Pebrero 10 ang Westbound Lane ng White Plains Avenue upang bigyang daan ang pagtatayo ng Interactive Museum. Ilalagay sa museum ang mga pangyayari noon sa People Power Revolution. Bukod sa mga commuter, apektado rin ng closure ng Whiteplains Avenue ang mga residente ng subdibisyon katulad ng Corinthian Garden at St. Ignatius. Base sa MMDA Traffic Management Plan, isasara...
Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, nais ilipat ng kulungan

Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, nais ilipat ng kulungan

Metro News, News Center, news photo
Ipinalilipat ng kulungan ng Department of Justice (DOJ) si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino. Sa ngayon ay nakakulong si Marcelino sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Nais sana ng DOJ na mailipat si Marcelino sa kustodiya ng Philippine Navy (PN) o National Bureau of Investigation (NBI). Sinabi ni DOJ Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, na kailangang alisin sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Marcelino. Nauna ng hiningi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kustodiya ni Marcelino para matiyak ang kaligtasan nito.

1 pampasaherong jeep nahagip ng tren sa Maynila; 1 babae patay, 6 pang pasahero sugatan

Metro News, News Center, news photo
Patay ang 56 anyos na school clerk matapos mahagip ng tren ang sinasakyan nitong pampasaherong jeep malapit sa istasyon ng PNR sa Pedro, Gil Maynila. Kinilala ang biktima na si Bernadita Matias na sakay ng minamanehong dyip ni Marlon Pertida. Bukod kay Matias, 6 pang mga pasahero ang sugatan na isinugod sa Sta. Ana Hospital. Ayon sa pahayag ng mga nakaligtas na pasahero, nagpumilit umano ang driver na pumasok kahit nag-alarm na ang PNR Station at nakataas na ang buzzer ng stop. Dahil dito, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injury ang driver na si pertida. Inirekomenda rin ng Manila Traffic Department na kanselahin ang kaniyang driver’s license.    

2 Chinese Nationals, arestado dahil sa pagtutulak ng iligal na droga sa Valenzuela City

Metro News, News Center, news photo
Arestado ng anti-narcotics agents ang 2 Chinese Nationals na hinihinalang tulak ng droga sa isang operasyon sa barangay lawang bato Valenzuela City. Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency-Special Enforcement Service sa mga suspek ang may 36 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 180 milyong piso. Napag-Alamang matagal ng under-surveilance ng PDEA ang 2 Chinese Nationals. Katuwang ng pdea sa naturang operasyon ang Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force.

Pagpapatupad ng yellow lane sa kahabaan ng EDSA, hihigpitan ng Metropolitan Manila Development Authority

Metro News, News Center
Huhulihin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pribadong behikulong gumagamit ng yellow lane. Ayon sa MMDA, simula Enero 18, magiging mahigpit na sila sa patakaran ukol dito at titikitan na nila ang mga pribadong motoristang gumagamit ng yellow lane sa kahabaan ng EDSA. Uumpisahan muna ng MMDA ang paghuli mula sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City hanggang Guadalupe, Makati City, Southbound Lane at pagkatapos ay plano na nilang ipatupad ito sa buong kahabaan ng EDSA. Base sa ordinansa, ang yellow lane at linya ng mga pampublikong sasakyan, tulad ng mga bus ay hindi pwedeng gamitin ng mga pribadong sasakyan. Sa monitoring ng mmda, simula Shaw Boulevard hanggang Guadalupe, mabigat ang daloy ng trapiko sa nabanggit na mga lugar tuwing umaga, na isa sa mga d...