Tuesday, April 25, 2017
Home > Showbiz > Camille Prats at asawang VJ Yambao inanunsiyong baby girl ang kanilang magiging anak

Camille Prats at asawang VJ Yambao inanunsiyong baby girl ang kanilang magiging anak


Inanunsiyo na ni Camille Prats at ng asawang si VJ Yambao ang gender ng kanilang magiging unang anak.

Isinagawa ng mag-asawa ang gender reveal party sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas na dinaluhan ng kanilang pamilya.

Pinapili nila ang kanilang guests ng popsicle mula sa cake kung ‘team boy’ o ‘team girl’ bilang hula sa kasarian ng ipinagbubuntis ni Camille.

Nang hiwain ni VJ ang cake ay roon na na-reveal na baby girl ang inaasahang magiging anak nila.

Si Camille ay may isa na ring anak sa unang asawa na sumakabilang-buhay na.

Samantala, masayang kinumpirma ng singer-actor na si Mikoy Morales na apat na taon na ang relasyon nila ng girlfriend na si Thea Tolentino.

Si Thea ang unang umamin sa relasyon nila ng aktor.

Kuwento ni Mikoy, nagsimula ang closeness nila noon sa sinalihang reality show sa GMA-7 na “Protégé.”

Aminado rin si Mikoy na nagkakaroon sila minsan ni Thea ng di-pagkakaunawaan dahil sensitive siya samantalang selosa naman ang girlfriend.

Pero mas open-minded na raw ngayon si Mikoy para sa ikagaganda pa ng kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *