Callamard, di-payag sa mga kondisyon ni Duterte para imbestigahan ang EJKs sa bansa – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Callamard, di-payag sa mga kondisyon ni Duterte para imbestigahan ang EJKs sa bansa


Hindi pa rin pumapayag si United Nations (UN) Special Rapporteur Agnes Callamard sa mga kondisyong ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte para mag-imbestiga sa umano’y nagaganap na extra judicial killings (EJKs) bunsod ng pinaigting na kampanya sa iligal na droga.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose, dahil sa hindi pumapayag si Callamard sa mga kondisyon, posibleng hindi na rin matuloy ang pagbisita nito sa bansa.

Kung matatandaan, sinabi ng pangulo na bukas siya sa isasagawang imbestigasyon ni Callamard basta papayag itong magkaharap silang dalawa at makapagtanong ang pangulo.

Halimbawa na lang umano ay ang magiging tanong ng pangulo kay Callamard kung ano ang pangalan ng ikalimang biktima sa EJKs at kung saan at kailan pinatay ang biktima.

Samantala, patuloy naman aniya ang diskusyon sa Geneva kaugnay ng umano’y EJKs sa bansa.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *