Cabamongan nagpositibo sa initial drug test


Nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga si Police Superintendent Lito Cabamongan na naaresto sa isang pot session sa Las Piñas.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) crime laboratory, nagpositibo si Cabamongan sa initial drug test na isinagawa rito kahapon.

Nakatakda naman itong isailalim sa confirmatory test.

Una nang sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na agad niyang ipasisibak sa puwesto ang opisyal kapag nagpositibo ito sa droga.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *