‘Binibining Pilipinas-Intercontinental’ Katarina Rodriguez itinangging magre-resign


Itinanggi ng kinoronahang “Binibining Pilipinas-Intercontinental” na si Katarina Rodriguez na balak niyang mag-resign at bitawan ang korona.

Ito’y kasunod ng kumalat na mga impormasyong magsusumite diumano ng resignation ang beauty queen bilang pambato ng Pilipinas sa “Miss Intercontinental Pageant.”

Ayon sa modelo, wala siyang binitawang anumang pahayag na hindi niya tinatanggap ang korona kaya sana ay iwasan din ang mga ispekulasyon.

Binigyang-diin pa ng Davao City native na dalawang araw pa lang matapos ang coronation, kung saan ay isa aniya ito sa pinakamasayang bagay na kanyang naranasan.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *