Bello lumabag sa utos ni Duterte vs kontraktuwalisasyon – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Bello lumabag sa utos ni Duterte vs kontraktuwalisasyon


Pagsuway sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang kontraktuwalisasyon ang pinirmahang department order (DO) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Associated Labor Unions Spokesperson Alan Tanjusay, pinili ni DOLE Secretary Bebot Bello na i-interpret ang batas pabor sa mga employer at mga manpower service cooperative.

Sa ilalim kasi ng pinirmahang DO sa kontraktuwalisasyon, tanging ang labor-only contracting lamang ang ipinagbabawal.

May exemption ang batas gaya ng call center agents na ayon kay Bello ay may special provisions.

Una nang inamin ni Bello na wala siyang kapangyarihang ipatigil ang lahat ng uri ng kontraktuwalisasyon.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *