Saturday, April 29, 2017
Home > National News > Bello dinepensahan ang DO 174 ng DOLE na nag-aalis umano sa kontraktuwalisasyon

Bello dinepensahan ang DO 174 ng DOLE na nag-aalis umano sa kontraktuwalisasyon


Dinepensahan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang department order (DO) 174 ng ahensiya.

Ayon kay Bello, maganda ang inilabas nilang DO dahil hindi ito pro-labor at hindi rin pro-management, kundi pro-industrial peace.

Ilang grupo naman ng mga manggagawa ang dismayado sa nasabing DO dahil pro-contractualization pa rin umano ito.

Iginiit naman ni Bello na hindi na sakop ng kanyang kapangyarihan bilang kalihim ng DOLE ang iba pang klase ng contractual arrangement.

Hinimok naman ni Bello ang labor groups na dumulog na lamang sa korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *