Bela Padilla matagal nang naka-move on sa break up nila ni Neil Arce


Iginiit ni Bella Padilla na nakapag-move on na siya sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Neil Arce na ngayon ay nauugnay kay Angel Locsin.

Nitong Enero nang inanunsiyo ni Bella ang break up nila ni Neil na matagal din niyang naging karelasyon.

Tiniyak naman ng aktres na okay na okay siya ngayon at sadyang pinili lang niya na huwag munang makipag-date sa iba.

Ine-expect naman ni Bella na kung hindi pa man couple ngayon sina Angel at Neil ay magiging magkarelasyon ang mga ito kalaunan dahil compatible aniya ang dalawa.

Samantala, hiwalay na ang celebrity couple na sina Miho Nishida at Tommy Esguerra.

Inanunsiyo ito ng Star Magic na humahawak sa career ng dalawang dating housemates sa loob ng “Pinoy Big Brother” (PBB) house.

Sinabi naman ng Star Magic na magkaibigan pa rin naman ang dalawa at umapela rin ng suporta para sa individual careers ng mga ito.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *