Saturday, April 29, 2017
Home > International News > Beijing tuluyan nang tinapos ang paggamit ng coal-fired power plant

Beijing tuluyan nang tinapos ang paggamit ng coal-fired power plant


Fully natural gas na ang gamit ng Beijing para sa kanilang elektrisidad.

Ito ay matapos na tuluyan nang ipatigil ng gobyerno ng Beijing ang huling pinakamalaking coal-fired power plant.

Ayon sa Beijing, ang pagpapatigil ng Huangneng Beijing Thermal Power Plant ay kabilang sa kanilang hakbang na mapangalagaan ang kalikasan.

Taong 2013 nang magsimulang gumamit ng natural gas ang Beijing para sa supply ng kanilang kuryente.

Ang Huangneng Plant ay pang-apat na plantang isinara at pinalitan ng gas thermal power centers mula 2013 at 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *